Kinundena ng mga Cars Owners ang 300 Percent Parking Fee ng NAIA
Kinondena ng mga cars owners ang 300 percent increase sa parking fee na ipinapatupad ng New NAIA Infra Corporation (NNIC) sa lahat ng parking sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), dahil sa pagiging unreasonable at unbearable sa panig ng riding public.
Ayon sa mga tumutuligsa hindi ito makatarungan, at itoy anila unconstitutional sapagkat hindi ito dumaan sa public consultation bago ipatupad ang hanggang leeg increase sa parking fee sa mga paliparan.
Sapagkat una sa lahat ang parking space na ito ay pagari pa rin ng pamahalaan, at ang perang ang ginastos sa konstraksiyon ng mga parking space na ito ay mula sa kaban ng bayan.
At ayon pa sa mga kumukundina hindi ito proper o wala sa tamang panahon ang ipinatutupad pagtaas ng bayad sa mga paradahan ng NAIA, bagkus asikasuhin muna ng NNIC ang improvements ng airport.
At anila hindi maaring maging basehan ang MIAA Administrative Order 1 series of 2024 at ang cabinet resolution no. 1 series of 2024, dahil ang MIAA has no taxing delegated power mula sa kongreso or from the President.
Habang isinusulat ang balitang ito, pinagaaralan ng grupong tumutuligas na iparating sa kataas-taasahan hukuman ang isyung ito upang mabigyan ng linaw ang problemang ito.(froilan morallos)