Kinondena Ng Rank And File Ang Hakbang Ng Kalihim Laban Sa Mga Maliliit Na Kawani Ng DPWH

Kinondena ng ilang empleyado ng Department of Public and Highways (DPWH) ang ginagawa ni Secretary Vince Dizon, laban sa maliliit na mga kawani ng departamento, bagkus napapabayaan ang pananagutan ng mga malalaking buwaya sa loob ng ahensiyang ito.

Ayon sa hinaing ng mga rank and file na kawani, ang pinagtataguan-unan ng pansin ay ang maliliit na empleyado, habang ang mga Undersecretary, Assistant Secretary, at ang ibang Director na nag kamal ng bilyon-bilyon na salapi hinayana-an magsi-pagresigned sa puwesto ng walang kinnakaharap na mga kaso.
Anila unfair ito sa mga District Engineer, accountant, cashier at iba pang empleyado na sangkot sa katiwalian, samantalang ang mga mastermind sa pagnanakaw sa pera ng bayan, ay nagpapakasaya sa ibat-ibang lugar.
At ang mga maliliit ang magdudusa sa kulungan, habang ang mga nag kamal ng milyon-milyon na salapi mula sa flood control project ay nagtatampisaw sa kaligayahan.
Sa kanilang pakiwari tila mayroon tinitigan ang kalihim, sapagkat walang pang Director, USEC at Assistant Secretary na sinasampahan ng kasong flunder na may kinalaman sa paglustay ng pera ng taong bayan at pagkakasangkot sa mga bugos na project.
Ayon pa sa grupo, anila tila hindi patas ang isinusulong halkbang ng kalihim, dahil itong mga director na dawit sa anomalya,sa halip na kasuhan pinadalhan lamang ng show cause order upang magpaliwanag sa kanilang life style, samantalang kitang-kita ang estado ng pamumuhay ng mga ito.
Katulad nitong isang Director na mayroon anim na SUV na pawang mga bullet proof, na ipinagwawagaywayan sa madlang publiko, sa halip na kasuhan sinibak lamang sa puwesto at kasalukuyang nagpapalamig sa mga five star hotel. (Froilan Morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *