Kanselado Ang Anim Na Flight Cebu Pacific

Kinansela ng Cebu Pacific at ng Cegbo kahapon ang kanilang mga flight papuntang Tacloban, dahil sa isinasagawang emergency repair ng Tacloban Airport.

Kasabay nito nag-issue ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ng Notice to Airmen (NOTAM), na naglalayong ipatigil ang operasyon ng Tacloban Airport hanggang sa araw ng Miyerkules.

At kasabay na humihingi ang Cebu Pacific at Cegbo ng paumanhin sa kanilang mga client, sapagkat aniya, its beyond our control,at kasalukuyang nakikipagugnayan ang mga ito sa CAAP para sa seguridad at operability ng runway.

Ang mga kanseladong flight ay ang Cebu-Tacloban-Cebu, Cegbo DG 6569/6570, 5J 649/650 Manila-Tacloban-Manila at ang 5J 2901/2902 Manila-Tacloban-Manila.

At ipinagbibigay alam din ng Cebu Pac sa mga paektadong pasahero na ang rebooking ay free of charge, at anila walang fare difference for travel up to 30days from the original flight date o kaya full refund. (froilan morallos)

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *