Kanong Sex Offender Pinabalik ng BI sa kanyang Port of Origin
Convicted American Sex offender pinabalik ng Bureau of Immigration (BI) sa kanyang port of origin, upang maprotektahan ang kapakanan ng mga minor de edad sa bansa.
Ayon sa impormasyon kinilala American sex offender na si Mathew Stephen Gross 36 anyos, at dumating ito sa Mactan International Airport (MIA) noong June 16, mag mula sa America via Eva Air flight galing Taiwan.
Batay sa report si Gross ay nakulong sa America noong taong 2012 dahil sa second-degree Sex abuse case laban sa isang 17 anyos na batang babae.
Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado ang pagkaka-exclude kay Gross ay alinsunod sa kanilang intensified efforts to protect vulnerable sectors, particularly children, under its flagship #ShieldKids campaign.
Aniya ito ay isang moral obligation, not just legal one,to protect the vulnerable sectors against foreign national who was convicted of sex offenders or sex crimes involving minors.
Sa ilalim ng immigration rules and regulation ipinagbababwal na pumasok sa bansa ang mga dayuhan na nakulong bunsod sa pagkakasangkot ng kasong moral turpitude particular na sa sexual offenses. (froilan morallos)