Kalbaryo Ang Inabot Ng Mga Pasahero Sa NAIA

Kalbaryo ang sinapit ng mga pasahero sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) hinggil sa hindi maayos o makupad na sestima ng Bureau of customs (BOC), bago ang implementation ng baggage declaration program ng ahensiyang ito.

 Ayon sa report ang e-travel at ang mabagal na scanner ng customs ang siyang itinuturong mga kadahilanan sa patuloy na paghaba ng pila sa mga exit ng airport.
At anila ito rin ang nagiging sanhi sa nangyayaring singitan at awayan ng bawat pasahero dahil sa mahabang beyahi  galing sa ibang bansa at matagal na nakatayo bago makarating sa Immigration counter.
Tila hindi napaghandaan ng Customs Port of NAIA ang magiging epekto nito, bagkus kulang din ito sa mga scanners para mapabilis ang paglabas ng mga pasahero.
Ayon sa mga airport employee nagsimula ang gusot na ito nitong nakaraang araw mag mula ng ipatupad ang baggage declaration ng Bureau of Customs . (Feb. 22, 2024)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *