Japanese Fugitive Tiklo Sa Pasay City

Inaresto ng Bureau of Immigration (BI) agent ang puganteng Japanese national na wanted sa Tokyo dahil sa kasong pagnanakaw o tinatawag na Large-scale theft.

 

Ayon sa report kinilala ang suspek na si Takayuki Kagoshima 55 anyos, at nahuli ito noong March 4 ng mga tauhan ng BI’s Fugitive Search Unit (FSU) sa may kahabaan ng Roxas Boulevard, sa Pasay City.

 

At sa bisa ng Warrant of Arrest which was issued pursuant to summary deportation order by the BI Board of Commissioners, dated October 2023, for being undesirable Alien.

 

Kung saan agad ito pababalikin sa Japan upang kaharapin o papanagutin sa kanyang kinasasangkutan kasong pagnanakaw.

 

Batay sa talaan ng Immigration dumating ito sa bansa noong buwan ng November taong 2022, at nadiskobre na hindi na ito umalis, hanggang sa kasalukuyang.

 

Ayon sa pahayag ng Japanese government si Kagoshima ay mayroon nakabinbin na Warrant of Arrest na inisyu ng Fukuda prefecture, na may kaugnayan sa pagnnakaw at sa paglabag ng Art. 235 ng Japanese Penal Code.

 

At nakarating din sa kaalaman sa ahensiyang ito, na si Kagoshima ay miyembro ng “ JP Dragon Syndicate” isang grupo ng mga magnanakaw sa Japan na nagkukunyaring mga awtoridad.

 

Si Kagoshima ay pansamantalang naka-kulong sa BI Warden Facility sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City, habang inaantay ang kanyang deportation order. (froilan morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *