Italian pedophile Timbog sa Cebu City

Inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Cebu City ang Italian national na wanted ng mga awtoridad sa Roma, dahil sa kasong pangagahasa ng isang 12 anyos na babae isang taon na ang nakakalipas.

Kinilala ang suspek na si Stefano Todeschini 57 anyos, at nahuli ito ng mga kawani ng Immigration Fugitive Search Unit (FSU) noong April 5 sa Lahug Cebu City.

Dinampot si Todeschini sa bisa ng isang Mission Order na inisyu ng ahensiyang ito at sa tulong ng Italian Embassy dito sa Manila.

Ayon sa report ang dayuhang ito, ay subject of an Interpol red notice in relation o may kaugnayan sa Warrant of Arrest na inisyu ng Vicenza Italy Prosecutors office, at paglabag ng Italian penal code.

Si Todeschini ay mananatili sa kulungan ng BI Warden Facility sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City habang naka-pending ang kanyang deportation order sa opisina ng BI Board of commissioners. (froilan morallos)

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *