Israeli National Inaresto Sa NAIA
Inaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Avsegroup ang isang Israeli National sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), dahil sa tangkang pagpuslit ng baril at bala.
Ayon sa report itong suspek ay defense consultant at military reservist sa Jerusalem, at nakuha sa kanyang luggage ang spare parts ng 5.56mm rifle, frame ng 22 caliber revolver,45 cylinder,magazine,at kahon na naglalaman ng mga bala.
Batay sa impormasyon nakalap nadiskobre ang mga disassembled firearms bago makasakay sa kanyang flight papuntang Tel Aviv via Dubai sa may departure area ng naia terminal 3.
Ayon sa Avsegroup walang maipakitang permit to transport firearm mula sa pamahalaan, kung kayat agad ito dinala sa NAIA Police Station 3, upang sumailalim ng imbestigasyon, at kasabay nito ang paghahain ng kaso sa korte laban sa suspek. (froilan morallos)