Ipinagbabawal Ang Paggamit ng Power Bank Habang Nasa Ere
Ipinag-utos ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa lahat ng lokal o foreign Air carrier na nag o-operate sa NinoyAquino International Airport (NAIA) na ipagbawal sa mga pasahero ang paggamit ng portable electronic divices , lalo ang power bank habang nasa himpapawid.
Itoy alinsunod sa CAAP’s circular no. 18-005 na siyang naguutos na ipagbawal ang paggamit ng power bank para sa seguridad ng mga pasahero.
Ayon pa sa bagong guidelines, ang power bank ay hindi dagat ilagay sa mga overhead compartments, at sa halip sa bagahe ng pasahero at ilagay sa ilalim ng upuan o kaya sa seat pocket sa kanyang harapan.
Naiintindihan nila, ang kahalagahan ng power bank sapagkat ito ay kailangan ng mga guest, ngunit aniya first prorioty ay ang safety ng mga guest.
At ang lalabag sa naturang kautusan ay makakatanggap ng warning, at kapag nagmatigas, kukumpiskahin ang kanyang power bank,at ibibigay din pagdating sa final destination. (Froilan Morallos)