Ipinag-utos Ni GM Ines Sa APD Na Resulbahin Ang Trapek Sa NAIA
Ipinag-utos ni Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Eric Jose Castro Ines sa Airport Police Department (APD) na resulbahin ang problema sa trapeko sa paligid ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Matapos makarating sa kanyang kaalaman ang walang humpay na reklamo ng mga pasaherong papapasok at palabas ng airport, dahil aniya mas pina-priority ng mga ito atupagin ang kanilang mga cellphone kaysa gampanan ang kanilang mga tungkulin.
Bukod sa trapeko pagtutu-unan din niya ng pansin ang naglipanang mga kolurom na taxi sa Ninoy Aquino International Airport na bumibiktima sa inosenting pasahero.
Sa unang araw na kanyang pagharap sa mga kawani ng MIAA sa isinagawang flag raisng ceremony kahapon ng umaga,sinabi nito na magsilbi ang mga kawani ng MIIA bilang ehemplo at maging tapat sa serbisyo sa lahat ng pagkakataon habang nasa pamahalaan.
At kasabay na binanggit ni GM Ines na aprobado na ang kanilang performance bunos, at nakatakdang ibigay ito sa lalong madaling panahon.