Ipinadala-utos ng BI Ang Direct Flights Para Sa Mga POGO Deportees
Hindi na pahayagan ng Bureau of Immigration (BI) ang mga dayuhan na sangkot sa illegal POGO sa bansa na sumakay sa mga flights na mayroon layover, maliban kung walang available flights na maaring sakyan.
Alinsunod sa Resolution No. 2025-002 na ipinalabas ng ahensiya na may petsang March 21, 2025, na naglalayong ang mga foreign national na sangkot sa illegal POGO can only be placed on direct flights to their home countries to avoid exploitation.
Ayon kay Commissioner Joel Viado ang mayroon layover flights ng mga POGO deportees ay delikado sapagkat may posibilidad na hindi umuwi sa kani-kanilang mga bansa.
Matapos ipag-utos nina senator Risa Hontiveros at Sherwin Gatchalian na magpatupad ang immigration ng stricter measures, upang mapigilan ang high-profile criminals from manipulating deportation protocols.
Sa kasalukyang nakikipagugnayan ang Department of Justice (DOJ) sa airlines companies maging sa foreign embassies para sa smooth sailing enforcement ng bagong deriktiba.
At kasabay nito nangangalap ng additional security enhancements for deportation procedures, at mahigpit na koordinasyon sa mga law enforcement agencies abroad.
Dagdag pa ni viado ipinapakita ng polisiyang ito na seryoso ang pamahalaan sa pagsugpo ng transnational crimes at pagpapalakas ng seguridad ng ating bansa.
Hindi natin papayagan ang mga dayuhang kriminal na samantalahin ang ating sistema, malinaw kapag ikaw ay lumabag sa batas, sisiguraduhin namin na tuluyan kang mapapalabas ng Pilipinas nang walang pagkakataong mapalawak ang inyong sindikato, ayon pa nito. (Froilan Morallos)