Ines Itinalaga Bilang Acting manager Ng MIAA
Itinalaga ni pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Eric Jose Castro Ines, bilang Acting General Manager kapalit ng sinibak na si Cesar Choing.
Bukod kay Ines itinalaga din ang mga miyembro ng Board of Directors sa Manila International Airport authority (MIAA).
Si Ines ay nagtapos sa kursong Bachelor of Arts (BA) sa University of the Philippines, at nagtapos din ng Airport and Airline Management and Aviation Security sa Bailbrook College, School of Aviation ng United Kingdom.
Naging Station Manager din ito ng Etihad Airways at Gulf Air sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) mag mula noong March 1, 2006 hanggang December 31, 2017, at mula July 1, 1997 hanggang February 28, 2006.
At dati din ito Senior Security Officer ng Gulf Air sa Manila at Southeast Asia nula January 1, 1998 hanggang June 30,1997, At nagsanaydin ito ng airline operations ng kumpanyang ito mula October 1, 1986 hanggang December 1, 1987.
Nanilbihan din ito bilang Senior Executive Assistance to the Secretary of the Department of Local Government and Community Development (DLGCD) mula April 1, 1973 hanggang buwan ng Marso 1986