Inaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Aviation Security Group (AVSEGROUP) at ng mga tauhan ng PNP Sub-Station 9 ng Villamor Airbase ang isang babae may kasong Estafa sa may departure area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3.

Ayon sa report ng PNP itong suspek ay 49 anyos, isang beautician at residente ng Oriental Mindoro.
 At nahuli ito kahapon makaraang madiskobre na mayroon itong pending Warrant of Arrest na inisyu noong November 22, 2006, ni Presiding Judge Jill Rose Saugan ng Regional Trial Court Branch 14, ng Davao City.
Dahil sa paglabag ng Art. 315 o kilala sa tawag na Estafa of the Revised penal Code, kung saan may recommended bail na aabot sa 40,000.00 tawsan pesos ang halaga.
 At itong akusado ay kasalukuyang nasa kustudiya ng mga kawani ng PNP Villamor Sub-Station 9, at kasabay ang isinasagawang documentation, bago i-turn over sa sala ni Judge Saugan.(froilan morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *