Illegal Drugs Na-intercept Ng BOC Sa NAIA
Na-intercept ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC), sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), ang tinatayang aabot sa 40.8 million pesos halaga ng illegal drugs, mula sa isang pasahero.
Ayon sa report ng Philippine National Police (PNP) Aviation Security Group ang 72 anyos babaeng pasahero ay isang Swiss national at galing ito sa Abu Dhabi.
Nadiskobre ng Customs examiner sa TV monitor ang kahina hinalang emahe sa loob ng bagahe ng pasaherong ito, kung kayat agad nakipag ugnayan ang BOC- NAIA sa PDEA para isagawa ang physical examination.
At dito na tumambad sa mga operatiba ang 6,000 grams ng hinihinalang shabu kung saan itinago sa loob ng kanyang luggage.
Ang naturang mga shabu ay nasa kostudiya ng NAIA Inter Agency Drug Interdection Task Group (NAIA-IADITG), upang sumailalim ng dokumentasyon bago i-turn over sa mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency, (PDEA).
At kasunod nito ang paghahain ng kaso laban sa Swiss national, dahil sa paglabag ng Dangeruos Drug Act 2000. (froilan morallos)