Illegal Drugs Na-intercept ng BOC sa NAIA
Na-intercept ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) at Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) sa Central Mail Exchange Center (CMEC) sa Pasay City, ang illegal drugs na tinatayang aabot sa 7 milyon pesos ang halaga.
Ayon sa impormasyon ang mga drogang ito ay galing sa mga bansa ng Thailand, Canada at California, at naka-consigned sa mga residente ng Tondo, Pampanga, Mandaue City, Tatytay Rizal at sa lalawigan ng Bulacan.
Nadiskobre ang mga ito matapos dumaan sa X-ray machines at sa isinagawang physical examination ng customs examiner on duty.
Kung saan aabot sa 4,877 gramo ng kush marijuana o high grade marijuana at pitong disposable vape na naglalaman ng marijuana oil.
Ang mga naturang droga ay nasa kamay ng mga tauhan ng PDEA, at kasalukuyang nangangalap ng karagdagan na impormasyon tungkol sa mga drogang ito. (froilan morallos)