Illegal Drugs Na-Intercept ng BOC sa NAIA

Na-intercept ng Bureau of Customs (BOC) inter-Agency Drug Interdiction Task Group (IADITG) sa Central Mail Exchange Center (CMEC) ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang limang abandonadong parcel na naglalaman ng kush na tinatayang aabot sa P4,555,600.00. Milyon pesos ang halaga.

Ang unang parcel na naglalaman ng 501 grams ng kush na aabot sa 701,400.00 ay galing sa Deer Valley Canada, kung saan ideneklara bilang mga seat cover, at nakapangalan ito Kay Fritz Ang ng Alipay St. Poblacion, Mandaluyong City

 

Ang pangalawang parcel na naglalaman ng 500 grams na nagkakahalaga ng 700,000.00 pesos ng Kush ay ideneklara din seat cover, at ipinadala ito mula sa no. 40 Stammers Dr. Ajax Canada , kung saan naka-consigne naman ito Kay Carl Jensen Ang ng Sheridan Tower, Barangay Highway Hills, Mandaluyong city.

Ang pangatlong parcel na naglalaman ng 1064 grams ng kush na aabot sa 1,489,600.00 milyon pesos ay ideneklara bilang mga Customized coffee Mug , ay galing sa Hopperton North York Canada, at ipinadala Kay Angelo Bryan Victor ng Zeppelin , Angeles City.

At ang pangapat na parcel na aabot sa 4,200.00 ay ideneklara bilang mga libro ay naglalaman ng 70 pirasong (1ml per piece) ng disposable vape, at itinago sa pandora box ay nag mula sa Baltimore, at nakapangalan Kay Steve Kian Ty Cortez ng Quezon City.

Habang ang panglimang parcel na naglalaman ng 471 grams ng kush at ideneklarang Custom Decor ay nagkakahalaga ng 659,400.00, at ipinadala ito ng Hobby Hollis ng Garden Grove, California, sa isang nagngangalang Leo Alvor ng Mazaraga, Quezon City.

 

Kakaharaping ng mga consignee ang kasong kriminal dahil sa paglabag ng section 4 Art. II ng RA 9165, o kilala sa tawag na Dangerous Drug Act.(Froilan Morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *