Ilinunsad ngayon lingo ng Cebu Pacific (CEB), O ang tinaguriang Philippines’ leading carrier, ang kanilang maiden flight mula Manila deriktang papuntang Sapporo Japan.
Ayon sa impormasyon, ito ang ika limang destinasyon na binuksan ng CEB sa publiko upang mabigyan ng oportunidad o pagkakataon ang mga Pilipino na makarating sa lugar na ito sa pamamagitan ng mababang pamasahe
At itoy mago-operate tatlong bese sa isang lingo, sa mga araw ng Martes, Huwebes at Sabado kung saan aalis ito tuwing alas 11:15 ng umaga at darating sa Sapporo bandang alas 5:25 ng hapon lokal time, at babalik ng Maynila bandang alas 6:25 ng hapon at lalapag sa naia bandang alas 11:20 ng gabi.
Bukod sa Sapporo may ruta din ang CEB sa mga lugar ng Tokyo (Narita), Osaka, Nagoya, at Fukuoka na magmumula sa Manila, Clark at Cebu
Ayon sa CEB ang Sapporo ay ang tinaguriang tourism landscape ng bansang Japan, kilala ito, at dinarayo ng mga Pilipino dahil sa malamig na klima, at ang mayaman na cultural heritage ng lugar na ito.
Dagdag pa ng CEB ang kanilang direct flight patungong Sapporo ay ang pinakamadaling at pinakamabilis para makarating sa lugar na ito, upang matunghayan ang pinaka-popular winter activities sa rehiyon, mag mula sa skiing on powder snow, at Sapporo snow festival, freshly brewed beer at Sapporo Beer Museum. (froilan morallos)