Ilang District Engineer Hilong Talilong Kung Papaano Ipapaliwanag Ang Palpak Bilyong Bilyong Flood Control Project
Ipinatawag ng pamunuan ng Department of Public Works and Highways (DPWH), ang mga District Engineer sa Metro Manila upang ipaliwanag ang kapalpakan nangyari sa mga flood Control Projects sa buong kamaynilahan, matapos ang patutsada ni Pangunlong Ferdinand Bongbog Marcos sa kanyang State of the Nation Address (SONA).
Kaugnay nito pinagpapaliwanag ang bawat isa, pinagsusumite ng programs, at expenditure, kung paano ginasto ang bilyong-bilyong pera ng mga proyektong ito, na humantong sa kapalpakan.
Ayon sa isang insider, aniya tila tinablan ang kasing kapal ng isang hallow block na pagmumukha ng mga tiwaling dpwh opsiyal, sa sinabi ni pangulong Ferdinand Bongbong Marcos jr, na “Mahiya Naman Kayo Mga Taga DPWH Sa Mga Palpak Flood Control Project Sa Buong Bansa.”
Na humantong sa mass flooding sa buong Matero Manila,ilang lugar sa Northern Luzon at Kabisayaan nitong mga nakaraang dalawang lingo bunsod sa nagdaang dalawang bagyong si Dante at Emong.
Batay sa impromasyon nakalap ng pahayagang ito, ginagawaang palabigasan ang flood control project ng ilang tiwaling opisyal ng DPWH, particular na itong isang USEC na hayok sa pera kasabwat ang ilang mga tonggresman.
Sa kasalukuyang hilong talilong itong mga Distric Engineer, kung papaano maipapaliwanag kung bakit pumalpak ang mga proyektong ito sa kabila ng bilyon, bilyong pera na inubos ng dpwh sa mga palpak na flood control. ( froilan morallos)