Hinihiling Kay DPWH Secretary Dizon Na Paimbestigahan Ang Flood Control At Farm To Market Road Sa Northern Samar

Hinihiling ng ilang residente ng Northern Samar kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon na magsagawa ng masusing imbestigasyon tungkol sa mga sub-standard flood control at farm to market road project sa buong lalawigan.

Ayon sa report na nakalap ng pahayagang ito,halos lahat ng binabanggit na mga proyekto sa lalawigan ay pinaghihinalaan mga sub-standard, kung kayat wala pang isang taon makikita na ang depekto sa mga daan, dahil sa corruption.
At resulta sa sabwatan sa pagitan ng mga kawatan o corrupt na opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na naka base sa dalawang distrito ng Northern Samar at mga corrupt na politiko sa lalawigang ito.
Kasabay na hinihiling Kay Secretary Dizon na paimbestigahan ang isang sub-standard flood control project sa Barangay Cagamutan Gamay at sa Catarman Northern Samar, sapagkat tila hinokus-pukos ng mga kontraktor gumawa sa mga proyektong ito.
Batay sa impormasyon ang flood control project sa may Ilog ng Catarman ay mahigit  sa 150 milyon pesos ang halaga at ang sa Barangay Cagamutan flood control project na mayroon contract ID no. 23110040 ay aabot sa 18 milyon pesos, ngunit hanggang sa ngayon ay hindi pa natatapos.
Napagalaman na nagsimula ito noong pang buwan ng April 19, 2023, at ang contract completion date ay Oct. 15, 2023, bagkus nananatiling nakatiwang-wang dahil sa kapabayaan ng CDU Construction Company, na siyang nanalo sa lutong bidding. (Froilan Morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *