High Grade Marijuana Na-intercept sa NAIA

Na-intercept sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ng pinagsanib na mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC)at ng  PDEA-Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (IADITG) ang dalawang incoming parcels galing sa United States na tumitimbang ng 7,154 kilograms ng High grade Marijuana Kush na tinatayang aabot sa 10,015,000.00 milyon pesos ang halaga.

Ayon sa impormasyon ideneklara ang mga ito bilang “Herbal Tea” at ipinadala ng Ohio Tea Company sa isang nagngangalang Alfredo Roa residente ng Tambo Paranaque City.

Ang unang parcel na naglalaman ng limang foil packs kung saan may tatak  na Jasmine Pearls Green Tea ay naglalaman ng 3,570 grams ng high grade marijuana na may street value na aabo sa 4, 998,000.00 mily on pesos.

At ang isa pang parcel na may tracking number USPS 92701361246216176826480266 ay ideneklara bilang Herbal Tea ay naglalaman ng 3,584 kilograms ng high grade marijuana na tinatayang aabot sa 5,017,000.00 milyon pesos ang halaga.

Ang mga naturang drugs ay agad na Nai-turn over sa mga tauhan ng PDEA, at pineprepara ang kaso Laban sa consignee dahil sa paglabag ng RA 9165 o kilala sa tawag na Dangereuos Drug Act 2000. (Froilan Morallos)

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *