GM Ines Nakipagpulong sa MIAA Terminals Heads
Nagsimula makipag-meeting sa mga MIAA Department heads at airlines operators si newly appointed General Manager ng Manila International Airport Authority [MIAA] nasi Eric Jose Castro Ines,bilang paghahanda sa transition period.
Si GM Ines ay itinalaga ni pangulong Ferdinad Marcos jr.noong December 15 2023 bilang Acting General Manager ng MIAA Board of Directors kapalit ni Officer -in -charge Bryan Co na humalili kay dating MIAA General manager Cesar Choing matapos sibakin ng Ombudsman dahil sa mga kasong ihinain laban sa kanya ng MIAA employees.
Bago si GM Ines ilinagay sa puwesto,ng pangulo, dating siyang Airport Station Manager at Gulf air Manila mula taong 1997 hanggang 2006 at Etihad Airways mag mula 2006 hanggang 2017.
Nagtapos ito ng Bachelor of Arts sa University of the Philippines (UP), at nagtapos din ito ng Airport at airlines Management and Aviation Security sa Bailbrook College School of Aviation of United Kingdom.
Ayon sa impormasyon, bago nag-asssme sa kanyang tungkulin nag-ikot ito sa Ninoy Aquino Inttrnational Airport (NAIA) terminals, at nangako ito na kanyang ipapa-implement ang ibat-ibang improvements sa mga terminals, upang maging komportable at hassle free travel experience ang mararanasan ng mga pasahero.