German National Inaresto ng PNP sa NAIA
Inaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Aviation Security Group sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang pasaherong German national dahil sa kasong Direct Assault.
Ayon sa report nangyari ang insidente noong October 8 sa may final security screening ng paliparan bago makasakay sa kanyang flight papuntang Vancouver Canada.
Nakarating sa kaalaman ng mga kinauukulang na itong German national ay ayaw sumunod sa mandatory security screening procedures sa kabila ng pauli-ulit na pakiusap ng mga tauhan ng Office of the Transportation Security (OTS).
At siya ang nagging dahilan upang arestuhin ito matapos sipain niya ang isang Police Officer dahil sa paglabag ng Art. 148 (Direct Assault) at 151 Resistance and Disobedience to Person in Authority of the Revised Penal Code of the Philippines.
Itong akusado ay kasalukuyang nasa kustudiya ng PNP AVSEGROUP, at sumasailalim ng masusing imbestigasyon at inquest proceedings sa Pasay City Prosecutors Office, bago ihain ang kasong Direct Assault laban sa suspect. (froilan morallos)