Flood Control Projects ng DPWH Walang Silbi Kapag Bumuhos Ang Maakas na Ulan
Tila walang silbi ang isang katutak na flood control projects sa lalawigan ng Bulacan, kapag bumubuhos ang malakas na ulan, ayon sa mga motoristang na-stranded sa North Luzon expressway nitong nakalipas na dalawang araw.
Bukod sa NLEX naperwesyo din sa tubig baha ang mga motorist sa ibat-ibang lugar ng Metro manila, dahil sa tatlong araw na walang humpay na buhos ng malakas na ulan, dala ng bagyong si Karina.
Ayon sa ilang sa mga motorist halos lumpas tao ang lalim ng tubig baha pagkalampas sa may Valenzuela Exit, bago makatawid sa Balintawak ,at anila nag mistulang palaisdaan na siyang nagging dahilan upang tumigil sa daan sa buong magdamag.
At daang-daang din motorista ang na-stranded papunta sa mga bayan ng Sta Maria, Plaridel, San Miguel, Baliuag hanggang Cabanatuan.
Ayon sa mga ito tila nagsasayang lamang ang pamahalaan sa bilyong-bilyon salapi na nakalaan sa para sa mga naturang projects, sapagkat sa halip na ma-control ang tubig sa mga lansanga, bagkus lalong lumalala ang problema ng mamamayan kapag tag-ulan.
Gayon pa man sinabi ng isang engineer ng Department of Public Works and Highways (DPWH, na ayaw magpabanggit ng kanyang pangalan, hindi makakayanan ang tubig ng mga itinayong flood control projects na ito, kapag nagpakawala ng tubig ang mga Dam sa Central Luzon.
Aniya ito ang pangunahing dahilan kung kayat hindi mapigilan na tumaas ang tubig sa mga lalawigan ng Bulacan,Pampanga at sa Metro Manila, dahil sa mga tubig na nangagaling sa mga ng Dam Central Luzon na pinakakakwalang kapag may bagyo. (froilan morallos)