Filipino-Canadian National Inaresto sa NAIA
Inaresto ng Philippine National Police (PNP) Aviation Security Group (PNP-AVSEGROUP) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang isang 65 anyos Filipino-Canadian national, dahil sa paglabaag ng PD 1727 o kilala sa tawag na “Bomb joke”.
Ayon sa report nangyari ang insedente noong Miyerkules ng gabi, Appril 10, habang nasa check-in counter ng PAL itong suspek, kung saan nagbiro na “Granada lang naman ang laman ng kanyang bagahe.
Na nagging sanhi upang mag-panic ang mga taong nakapaligid kasama ang mga, security guard, airport staff at empleyado ng Manila International Airport Authority (MIAA).
Agad naman nakahingi ng tulong ang Philippine Airlines (PAL) Management sa PNP Avsegroup, at hinaloghug ang bagahe nitong suspek gamit ang K9.
Sa kasalukuyang itong suspek ay nasa kustudiya ng Philippine National Police, at nakatakdang dalhin sa opisina ng Pasay city Prosecutors Office,for inquest proceedings alinsunod sa Due Process requirements.
Ayon kay PBGen Christopher Abrahano, Director ng PNP AVSEGRP, iwasan ang pagbibiro ng Bomb Joke, sapagkat aniya ang bombs or explosives is not only irresponsible but also illegal. (froilan morallos)