E-trike, E-Bike at Kuliglig Bawal Sa National Road

Nabibilang na ang araw ng mga E-trike, e-bike at Kuliglig dahil sa darating na buwan ng Abril ipagbabawal na sa mga ito na dumaan sa mg national road, sapagkat isa sa nakakasagbal sa mga motorista, ayon sa pahayag ng Metro Manila Development authority (MMDA).

Ayon kay MMDA Acting Chairman Romando Artes bago ipatupad ang napagkasunduan ng Metro Manila Mayors League, aantayin muna ang 15 day period matapos mailathala sa mga pahayagang sa loob ng Metro Manila.

Aniya ang lalabag pagmumultahin ng halagang 2,500 libong pisos, at hindi pa maliwanag sa naturang resolution kung may kaakibat na confiscation sa kanilang mga E-trike or E-bike.

Itoy aniya isang awareness campaign sa mga mayari ng E-trike,E-bike at Kuliglig upang maiwasan na dumaan sa ipinagbabawal na lugar.

Ipinagbabawal sa mga ito na dumaan sa Recto Avenue, Quirino, Araneta, EDSA, Katipunan, CP Garcia, South Metro Manila Expressway, Roxas Boulevard, Taft Avenue,SLEX, Shaw blvd, Ortigas, Magsaysay , Aurora blvd, Quezon Avenue, Commonwealth Avenue, A Bonifacio Avenue, Rizal Avenue, Macarthur highway, Elliptical road at Mindamao Avenue

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *