Droga Natagpuan sa Loob Ng Dating Restaurant sa NAIA
Natagpuan ng isang construction worker ang aabot sa 11.4 milyon pesos ang halaga ng hinihinalang shabu sa loob ng dating restaurant sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), habang sinisira ang dating har-raya kitchen restaurant.
Nakuha ng construction worker ang tatlong malalaking pouches na laglalaman ng 1,685 gramo ng hinihinalang shabu sa loob ng dish traps na puno ng tubig.
Agad ito ipinagbigay alam sa mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) Aviation Security Group na naka asayn sa NAIA, upang magsagawa ng masusing imbestigasyon.
Ayon sa report ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) inabandona ang mga ito noong pang panahon ng pandemya,at anila nahirapan mailabas dahil sa sobrang higpit ng seguridad sa naia.
Ang mga drogang ito ay kasalukuyang hawak ng mga tauhan ng NAIA-PDEA, at kasabay nito isinusulong ng grupong ito ang pangangalap ng impormasyon,tungkol sa illegal drugs na ito.