Droga Na-intercept ng BOC sa NAIA
Na-intercept ng Anti-Agency Drug Interdiction Task Group (ADITG) ng Bureau of Customs (BOC) sa Central Mail Exchange Center (CMEC) na matatagpuan sa may bisinidad ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang 12.9 milyon pesos halaga ng ecstasy tablet at Kush Marijuana,
Ayon sa impormasyon itoy resulta sa pinaigting na kampanya ng pinagsanib na puwersa ng mga tauhan ng Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) at ng NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) laban sa illegal drugs.
Ayon sa nakalap na report ang mga drogang ito ay galing sa ibat-ibang bansa at naka-consigned sa magkakaibang personalidad at ibat-ibang addressed.
At batay sa isinagawang routine inspection nadiskobre ng mga ito ang 7,791 grams ng Kush marijuana at 1,229 pirasong ecstasy na itinago sa loob ng mga parcels.
Ang mga nakumpiskang droga ay agad na ilinipat sa mga tauhan ng PDEA, at nakatakdang kasuhan ang mga consignee dahil sa paglabag ng RA 9165 O kilala sa tawag na Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at sa RA 10863 O Customs Modernization and Tariff Act.(froilan morallos)