Droga Inabandona Sa NAIA

Mahigit sa tatlong kilo ng Shabu ang natagpuan ng isang construction worker sa loob ng dating SPA o massage parlor sa may departure area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1.

Ang SPA na ito ay nasa loob ng dating Club of Manila na matatagpuan sa ika-apat na palapag sa may departure area ng NAIA terminal 1.

Ayon sa impormasyon ang 3.18 kilos ng illegal drugs ay tinatayang aabot sa 21.624 milyon pesos ang halaga.

At natagpuan ang mga ito (3 packs ng shabu) sa loob ng lumang locker kung saan itinago sa loob ng plastic container, at pinatungan ng mga kakanin upang hindi maamoy ng mga K9 snipping dog ng pamahalaan.

Hinihinala ng mga otoridad sa naia, na anila maaaring ipinasok ang drogang ito ng isang transit passenger at nag-check-in sa naturang SPA,

At maaring natakot ang maydala kung kayat minabuti na i-abandona upang makaiwas sa pananagutan sa batas

At napagalaman na nangyari ito noong kapanahunan ng pandemya, at dahil sa mahigpit na proseso sa mga paliparan iniwan na lamang kaysa magkaroon ng problema kapag nahuli ng mga otoridad.

Sa kasalukuyan nakikipagugnayan ang mga taga Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) sa foreman ng construction company kung papaano nila natagpuan ang mga drogang ito.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *