DPWH Opisyal Ipinatawag Ng Blue Ribbon Committee Ng Senado

Haharap sa Blue Ribbon Committee ng Senado ang ilang opisyal ng Department of Public Works and Highways (DPWH), sa September 1, 2025 ang ilang Regional Director, Undersecretary at mga Engineer na idinadawit sa maanomalyang flood control project sa ibat-ibang lugar sa bansa.

Kabilang sa mga ipinatawag ay sina Undersecretary for planning, Public -Private Partnership and Information Management Service Maria Catalina Cabral, Director Luz De La Rosa ng Internal Audit Service, National Capital Region Director Gerald Opulencia, Region III Director Roseller Tolentino,at Region IV-A Director Jovel Mendoza.

Kasama din si Region V Director Virgilio Eduarte, Engineer Henry Alcantara dating District Engineer ng First Bulacan Engineering District, Brice Ericson Hernandez dating Assistance District Engineer ng Bulacan first Engineering District, Engr. Jayson Jauco, OIC Bulacan First Engineering District, at Engineer Norberto Santos, Chief Planning and Design Bulacan First Engineering District,

Ang sinasabing mga personalidad ay ipinatawag ng Senado upang magpaliwanag sa kanilang partisipasyon o kinalaman sa mga bugos flood control project sa kanilang area of responsibility, at ma-identify ang mga congressman na sangkot sa mga anomalayang ito.

Ayon sa isang insider ng departamento nakatakdang din ipatawag ang iba pang mga District Engineer sa susunod na pagdinig ng Senado to shed light in their participation sa lumalalang isyu sa mga proyetko ito. (froilan morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *