Director Ng DPWH Region IV-B Sinibak Sa Puwesto
Sinibak sa puwesto si Director Gerald Pacanan ng Region IV-B, dahil sa diumanoy pagkakadawit nito sa mga ma-anomalyang flood control project sa buong rehiyon, ayon sa report na nakarating sa Department of Public Works and Highways (DPWH).
Pansamantalang itinalaga si Engr. Editha Babaran bilang Officer-in -Charge (OIC) ng Region IV-B kapalit ni Director Pacanan.
At ayon sa impormasyon na nakalap mula sa isang dpwh Insider si Pacanan ay itinalaga sa Philippine Navy o floating status, habang on going ang pagsisiyasat sa kasong kanyang kinasasangkutan.
Napagalaman na bukod sa kasong kriminal na ihahain sa Ombudsman kasabay ang administrative case na lilitisin upang magsilbing aral sa iba pang kawani ng ahensiyang ito.