Dating pangulong Rodrigo Duterte Inaresto

Nasa kustudiya ng Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) si dating pangulong Rodrigo Duterte, matapos i-serve ang Warrant of Arrest na inisyu ng International Criminal Court (ICC) for the crimes against humanity na kinakaharap nito sa internationa body.

Nai-serve ang nasabing Warrant of Arrest laban sa dating pangulo sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) pagkababa sa kanyang Cathay Pacific flight galing sa Hongkong.

Sa kasalukuyang nasa holding area ng Villamor Airbase si Duterte sa loob ng Philippine Airforce headquarters sa Pasay City.

Ayon sa impromasyon nakatakda ito dalhin sa opisina ng ICC sa Hague Netherland kung saan mamamalagi habang linilitis ang kasong kinakaharap. (froilan morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *