Dating law enforcer na Pinay Ipinadeport ng Malaysian Authorities
Pinabalik sa bansa ng Malaysian authorities ang isang 34 anyos na Pilipina matapos ma-rescue ng mga awtoridad sa kanyang pinaglilingkuran na club sa naturang bansa.
Ayon sa report ng Bureau of Immigration ang pinay na ito na si alias “Tina” ay biktima ng human trafficking, at nakalabas ito ng bansa via backdoor noong February 5, 2025 gamit ang isang speed boat mula Palawan papuntang Kota Kinabalu.
At ayon sa salaysay ng biktima pinilit siya na magtrabaho bilang entertainer sa isang club sa loob ng sampong araw, kung saan siya na-rescue ng mga awtoridad, at dinala sa womens shelter sa Kota Kinabalu.
Batay sa impormasyon na nakalap ng Immigration protection and border enforcement section (I-PROBES), si “Tina,” ay dating government law enforcement personnel, ngunit umalis para maghanap ng magandang pagkakakitaan. (froilan morallos)