Dating Iloilo Mayor Mabilog Umuwi sa Bansa Matapos ang Pitong Taon sa USA

Matapos ang pitong taon na pagtatago sa United States of America ni dating Iloilo Mayor Jed Patrick Mabilog, dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3 kahapon ng umaga sakay ng Cathay Pacific flight CX 90 mula USA.

Ayon sa impormasyon si Mabilog ay inakusahan ni dating pangulong Rodrigo Duterte na isa sa major protector ni Melvin Odica na isa sa pinagbebentanga na druglord sa kanilang lugar ng nakaraang administrasyon.

Si Mabilog ay sinalubong ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) pagkababa ng mula sa kanyang sinakyan na eroplano.

Matatandaan na si Mabilog ay nasa narco list ni dating pangulong Duterte at umalis ito bansa dahil sa banta ng kanyang buhay.

Ayon sa salaysay nito umiwi siya sa Pilipinas, simple lang, I want a simple and peaceful life.(froilan morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *