Dalawang Tsikwa Tiklo sa NAIA

Inaresto ng Bureau of Immigration (BI) operatiba sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3 ang dalawang Chinese national dahil sa pagsumite ng pekeng exit clearance.

 

Ayon sa report na nakarating kay BI Commissioner Joel Anthony Viado, kinilala ang dalawang suspek na sina Wang Changru 53 anyos at Cui wen 33 anyos.

 

At naharang ang mga ito bago makasakay sa kanilang Cathay Pacific flight papuntang Hongkong.

 

Batay sa impormasyon ang kanilang iprenisintang Immigration Clearance Certificate (ICC) ay bogus, na siyang nagging sanhi sa pagka-aresto ng dalawang foreigner.

 

At ayon sa immigration data base dumating ang mga ito sa bansa noong pang taon 2019, kung kayat kinokonsidera na mga overstaying.

 

Ang dalawang ito ay nai-turn over sa BI’s legal division, upang sumailalim ng masusing imbestigasyon, dahil sa paglabag ng Philippine Immigration Act of 1940.

 

(froilan morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *