Dalawang Sudanese National Timbog sa San Carlos City Pangasinan

Dinampot ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) Intelligence Division sa San Carlos City, Pangasinan ang dalawang Sudanese national dahil sa paglabag ng immigration laws.

Ayon kay Commissioner Joel Anthony Viado kinilala ang dalawang dayuhan sina Moneeb Ahmed Mohamed Yousif, 32, at Zaki Azhari Elzubair Basheer, 41, anyos at naaresto ang mga ito noong July 22 sa kanilang tinitirhan bahay sa may M. Soriano Street ng nasabing Lungsod.

Napagalaman na ang dalawang dayuhan ay walang maipakitang valid passports o kaya travel documents, na siyang nagging dahilan upang sapilitan arestuhin sa tulong ng San Carlos City Police personnel.

Ang dalawa ay nakakulong sa BI Detention facility sa Camp Bagong Diwa sa Taguig, at nakatakda naman ito pabalikin sa kanilang port of origin. (froilan morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *