Dalawang Punganteng Chinese Tiklo sa NAIA

Na-intercept ng Immigration Officers sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang dalawang puganteng Chinese na wanted sa China at BI Interpol dahil sa kasong kinakaharap ng mga ito sa kanilang lugar.

Ang dalawa ay nahuli sa may departure area ng NAIA 3 bago makasakay sa kanilang flight papuntang Kuala Lumpur,Malaysia.

Ayon kay Immigration Commissioner Joel Anthony Viado kinilala ang dalawa suspek na sina Huang Xianjun 37 anyos at Li Xiao Long 23 anyos.

Batay sa impormasyon na nakalap ang dalawang ito ay mayroon watchlist orders na inisyu ng ahensiya (immigration) bunsod sa pagiging undesirable aliens.

Dagdag pa ni Viado si Xianjun ay mayroon Warrant of Arrest na inisyu ng Municipal Public Security Bureau ng Changzhou, China dahil sa kasong telecommunication fraud.

At si Long ay mayroon din Warrant of Arrest na inisyu ng Hechuan Public Security Bureau ng Chongqing China, noong March 9, taong 2023 dahil sa pagkakasangkot ng economic Crimes.

At nadiskobre na si Long ay nagtrabaho sa isang Offshore Gaming company dito sa Manila, na siyang dahilan upang makansela ang kanyang working visa.

Ang dalawang ay agad na dinala sa BI custodial facility sa Camp Bagong Diwa, sa Taguig City, at mananatili ang mga ito sa kulungan habang naka-pending sa BI ang kanilang deportation order. (froilan morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *