Dalawang Puganteng Koreano Nasakote sa Paranaque

Nasakote ng mga kawani ng Bureau of Immigration (BI) sa Paranaque City ang dalawang South Korean national na wanted ng Interpol at ng Seoul authorities, dahil sa pagkaaksangkot ng multi-million dollars investment scams.

Ayon kay Immigration Commissioner Joel Anthony Viado kinilala ang mga suspek na sina Kim Young Sam, 58 anyos at Weon Cheolyong 59 anyos, at naaresto ang mga ito sa pamamagitan ng ikinasang operasyon noong April 22.

Si Sam at Cheolyong ay na-aresto ng immigration Fugitive Search Unit (FSU) sa kanilang pinagtataguan bahay sa BF Homes Village sa Parañaque City.

Ayon kay Viado si Kim ay agarang ipadede-port sa lalong madaling panahon, bunsod sa nagging order ng BI Board of Commissioners noong pang December 2021, bunsod sa pagiging undesirable alien.

At mayroon din itong Warrant of Arrest na inisyu ng Seoul Central District Court noong taong 2018, hinggil sa kasong fundraising for a business without government permit.

Ayon sa Seoul authorities nagkunyari si Kim na manager ng isang Seoul-based company, at illegal na nag-operate sa pamamagitan ng pagso-solicit para sa kanilang cryptocurrency business.

Isiniwalat din ng Seoul authorities na mula noong taon 2015 ang grupo ni Kim ay nakakulimbat ng aabot sa tatlong bilyong halaga sa kanilang investment mula sa mga biktima.

Samantalang si Weon, bukod sa pagiging overstaying pinaghahanap din ito ng Korean authorities dahil sa investment fraud, kung saan naglustay ito ng umaabot sa 17 milyon pesos galing sa 14 na biktima.

Ang dalawa ay mananatili sa kustudiya ng Immigration sa kanilang custodial facility sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City. (froilan morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *