Dalawang Puganteng Dayuhan Tiklo sa NAIA
Inaresto ng mga awtoridad sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1 at 3 noong nakaraang lingo ang mga puganteng Australian at
Ayon kay Immigration Commissioner Joel Anthony Viado, kinilala ang dalawa na sina Jaime Alan Strauss 37 anyos at Zverev Zakhar 24 anyos, at nahuli ang mga ito noong March 18 at 20 bago makapasok sa boarding gate.
Sinabi ni BI-Interpol acting chief Peter de Guzman, sina Strauss at Zverev ay subjects of red notices issued by the Interpol, dahil sa mga kasong kriminal na isinampa sa Panama at Russia.
Si Strauss ay wanted sa Panama dahil sa kasong serious Physical Injuries na isinampa ng biktima, na nagresulta sa pagka-paralyzed nito sa loob ng dalawang pot limang araw (25) at pagka siya ng mula ng biktima.
At si Zverev ay napatunayan ng Krasnodar City Court, ng Russia na naglustay ng pera sa banko ng kanyang biktima na umaabot sa 3.65 milyon rubbles katumbas ng 43,000 US dollars .
Ang dalawang suspek ay agad na dinala sa BI Custodial Facility ng Camp Bagong Diwa, Taguig City, at mananatili ang mga ito sa kulungan habang naka-pending ang kanilang Deportation Order ng BI Board of Commissiners. (Froilan Morallos)