Dalawang Puganteng Dayuhan Inaresto sa Pampanga

Naaresto ng mga tauhan ng Fugitive Search Unit (FSU) ng Bureau of Immigration (BI) sa Pampanga ang dalawang puganteng Korean at German national na wanted sa kanilang mga bansa.

Ayon kay BI Commissioner Joel Anthony Viado kinilala ang mga suspek na sina Klaus Dieter Boekhoff 60 anyos German at ang 48 anyos Korean national na si Ryu Hoijong.

Batay sa imporamsyon nahuli si Klaus sa kanyang tinitirahan bahay sa Barangay Malabanias, Angeles City Pampanga, at si Ryu ay dinampot sa kanyang pinagtataguan bahay sa Timog Park Homes sa nasabing Lungsod.

Napag-alaman na si Boekhoff ay mayroon Warrant of Arrest na inisyu ng German court noong December 5 nakaraang taon dahil sa kasong Multiple counts of fraud cases.

Habang si Ryu ay wanted sa Korea hinggil sa pagnanakaw ng sasakyan na nagkakahalaga ng 40 milyon Won.

Itong mga suspek ay kasalukuyan nakakulong sa BI Detention Faicility sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.

At ang dalawang ito ay ipapadeport sa lalong madaling panahon at hindi na maaring makabalik sa bansa. (froilan morallos)

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *