Dalawang Pugante Dayuhan Tiklo sa NAIA

Na-intercept ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) nitong nakalipas na araw ang dalawang puganteng dayuhan at wanted sa kanilang mga bansa dahil sa katiwalian.

Ayon sa report ang mga suspek ay isang Korean at Chinese national, at nahuli ang mga ito sa naia terminal 3 bago makasakay sa kanilang mga flight papuntang South Korea at Malaysia

Batay sa impormasyon kinilala ang Korean national na si Li Su Bin, at ang Chinese national na-identify na si Yao Bin.

Ayon sa pahayag ng BI-Interpol si Li ay wanted sa Seoul bunsod sa pagkakasangkot ng investment scam, kung saan pinaniniwalaan din ito na miyembro ng investment fraud organization sa Laos.

At napagalaman na nagkunyari ito bilang isang sales agent para makahikayat ng maraming cliente upang mag-invest sa kanilang modus sa love scams operations.

Samantalang si Yao ay nadiskobre na isang miyembro din ng cybercrime syndicate na nago-operate ng ibat-ibang gambling websites sa kanilang lugar.

Ang naturang websites ay nakahikayat ng aabot sa 260,000 Chinese customers at nagkamal ng tinatayang aabot sa dalawang milyon Yuan katumbas ng 276,000 US dollars.(froilan morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *