Dalawang Pinay Hinarang sa NAIA
Hinarang ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang dalawang Pilipina dahil sa kadududang mga kilos ng mga ito.
Ang dalawang pinay ay nagkunyari na magka-officemate at magbabakasyon sa Bangkok, Thailand.
Ayon sa report ng mga kawani ng BI’s Immigration Protection and Border Enforcement Section (I-PROBES) ang dalawa ay nasa edad na 25 at 31 at nag-pretend na magkasama sila sa trabaho bilang mga call center agents sa isang BPO sa Quezon City.
Ngunit sa inisyal interview nadiskobre na hindi magkakatugma ang kanilang mga sagot, at kalaunan inamin ng dalawa na na-recuite sila para magtrabaho sa Laos bilang Customer Service Representatives (CSR), at pinangakuhan ng 50,000 pesos suweldo bawat buwan.
At inamin din ng mga ito na nagbayad sila ng tig 3,000 pesos sa isang fixers na nakilala nila sa on line.
Agad nai-turn over ang dalawang biktima sa opisina ng Inter-Agency Council Against Traafficking (IACAT) upang sumailalim ng imbestigasyon. (Froilan morallos)