Dalawang Panibagong Ruta ng Cebu Pacific Bubuksan Ngayon Buwan
Nakatakdang buksan ng tinnguriang leading carrier Cebu Pacific (PSE: CEB), ang kanilang dalawang panibagong ruta papuntang Bangkok via Don Mueang International Airport (DMK) at Masbate, upang masilayan ng mga dayuhan ang ibat-ibang lugar sa bansa.
Ang kanilang flight sa Mueang ay magsisimula sa October 2, 2024, sa mga araw ng Lunes, Miyerkules at Biyernes, at ang ruta sa Masbate ay magi-start sa huling dalawang lingo ng Oktobre sa loob ng tatlong araw sa isang lingo.
Ang dalawang rutang ito ay alinsunod sa kanilang programa ng sa gayon mabigyan ng pagkakataon ang bawat Pilipino o mga dayuhan na makasakay sa pinaka-murang pamasahe ayon kay Xander Lao Cebu Pacific president and Chief Commercial Officer.
Ayon pa kay Lao ang Masbate ang isang probensiya na nakasama sa kanilang inter-island connectivity expansion maliban sa mga lugar ng Ticao at Burias island, kung saan matatagpauan ang Marine life at white beaches.
Bilang antisipasyon pinapayuhan ang mga pasaherong nagnanais magpunta sa Mueang Bangkok at Masbate ay maari ng magpa-book mag mula sa June 13, 2024 sa halagang 1 peso one way fare exclusive of fees and surcharges. (froilan morallos)