Dalawang Chinese National Tiklo sa NAIA

N-intercept ng Immigration Officer (IO) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang dalawang Chinese national dahil sa mga pekeng pass port at mga ID na iprenesinta sa immigration counter.

 

Kinilala ang mga suspek na sina alias Dianne 61 at Myla at na-intercept ang mga ito ng magkakahiwalay na immigration counter bago makapasok sa departure area.

 

Ayon sa report si Dianne at ang kasama nito ay pasakay sa kanilang Cathay Pacific flight papuntang Beijing ng harangin, ng immigration, matapos madiskobre na hindi marunong magsalita ng tagalog.

 

At si Myla ay dumaan sa ibang immigration counter, upang makalusot, ngunit naharang ito dahil sa mga inconsistency sa kanyang mga sagot.

 

Kung kayat ipinadaan ito sa masusing assessment, at nadiskobre na peke ang kanyang birth certificate at hindi maala-ala kung saan siya nagaral at ipnanganak ditto, bagkus hindi pa ito marunong ng Pilipino dialects.

 

Agad dinala ang mga suspek sa BI Facility sa Camp Bagong Diwa Bicutan Taguig City, kung saan maga-undergo ng imbestigasyon. (froilan morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *