Dalawang Chinese At Malaysian National Tiklo Sa Quiapo
Inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Quiapo ang dalawang Chinese national na nago-operate ng love scam hub, kung saan tinatarget ang mga European national upang makapanluko gamit ang internet.
Ayon kay BI FSU chief Rendel Ryan Sy kinilala ang mga suspek na sina Wang Huihuang, 30 at Liu Lin 35 anyos, at nahuli ang mga ito sa ikinasang operasyon ng Immigration Fugitive Search Unit (FSU) sa may Gonzalo Puyat St. Quiapo, Manila.
Kasamang nahuli ang dalawang Malasian national na katuwang sa kanilang illegal na operasyon, at agad naman ito inilipat sa pangangalaga ng Inter-Agency Against Trafficking, upang sumailalim ng masusing imbestigasyon.
Batay sa impormasyon nahuli sa akto ang mga ito habang nago-operate sa kanilang illegal online work station gamit ang anim (6) na computer kung saan mayroon ibat-ibang social media accounts at messaging platforms.
Sa isinagawang verification nadiskobre na ang dalawang ito ay overstaying, bagkus wala din maipakitang valid passport at valid immigration documents.
Sina Wang at Liu ay agad na pauuwiin sa China dahil sa paglabag ng immigration rules and regulation. (froilan morallos)