Dalawang Biktima ng illegal surrogacy trafficking Tiklo sa NAIA

Na-intercept ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang dalawang pinay na pinaniniwalaang biktima ng illegal surrogacy trafficking papuntang bansang Georgia.

Ayon sa report nahuli ang mga ito noong November 27, at hindi muna ibinunyag ang pagkakilanlan ng dalawa, bilang pagsunod sa anti-human trafficking law.

Napagalaman na na-recruit ang mga ito sa pamamagitan ng facebook ng isang online recruiter, at pinangakuhan ng 700 tawsan pesos monthly salary bilang surrogate mother sa Tbilisi Georgia.

Ang dalawa ay agarang ilinipat sa pangangalaga ng Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT) at kasalukyang sumasailalim ng masusing imbestigasyon.(froilan morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *