Dalawang American Sex Offenders Timbog sa NAIA At MCIA

Hinarang ng mga kawani ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport ( NAIA) at Mactan-Cebu International Airport (MCIA) ang dalawang American convicted  sex offenders, dahil sa pagiging undesirable alien.

Ayon sa report kinilala ang dalawa na sina Danny Alberta Rodriguez 52 anyos, at Kenneth Allen Roedell 72 anyos, pawang mga American national.

Si Rodriguez ay na-intercept sa NAIA terminal 1 noong June 17 at si Roedell ay nasakote sa Mactan International Airport noong June 10.

Sa ilalim ng Philippine Immigration Act, registered sex offenders ay hindi pinapayagan makapasok sa bansa, sapagkat , anila they are deemed excludable aliens due to their conviction for crimes involving moral turpitude.

Batay sa impormasyon na nakalap ng pahayagang ito, si Rodriguez ay naparusahan noong taong 2003 ng dalawang counts ng sexual assault dahil sa pangagahasa  sa 14 anyos na batang babae.

At si Roedell ay na-convict noong 2004 for sexually molesting and engaging in lewd and lascivious acts against a 12 year old victim. (Froilan Morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *