Consignee Ng Shabu Tiklo Sa NAIA
Na-aresto ng mga tauhan ng Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (ADITG), ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA), ang dalawang representatives ng logistic company na nag-claimed ng parcel kung saan nakalagay ang 16,150 grams ng methamphetamine hydrochloride, O kilala sa tawag na Shabu.
Ayon sa nakalap na impormasyon ng pahayagang ito, naaresto ang dalawang noong October 6, taong kasalukuyan habang kini-claim ang nasabing shabu sa loob ng isang warehouse sa NAIA.
Batay sa impormasyon itoy tinatayang aabot sa 109.8 milyon pesos ang halaga, kung saan itinago sa tatlong styrofoam, at ideneklara bilang e-commerce consolidated packages.
Agad naman ito nai-turn over sa mga tauhan ng Philippine Enforcement Agency (PDEA) upang sumailalim ng masusing imbestigasyo.
At nakatakda naman kasuhan ang dalawang representatives ng consignee logistics company, dahil sa paglabag ng RA 9165 , at RA 10863 o kilala sa tawag na Customs Modernization and Tariff Act. (Froilan Morallos)