Claimant ng Shabu Timbog sa NAIA

Naaresto ng mga awtoridad ang claimant ng 218.4 milyon pesos halaga ng illegal drugs o Shabu , sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) habang kinilala-claim nito ang apat na parcel sa loob ng isang bodega sa    naia complex.

Kinilala ang suspek na si Christine Tigranes, at nahuli ito kahapon ng gabi ng pinagsanib na mga tauhan ng Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) at Bureau of Customs (BOC) Drugs Enforcement Group matapos mapasakamay niya ang apat na parcels na naglalaman ng bulto-bultong mga droga.
Ayon sa report ang drogang ito ay nag mula pa sa Zimbabwe, ideneklara bilang mga machinery muffler, at ilinagay sa loob ng makapal na bakal, ngunit ng dumaan sa x-ray machine natuklasan na shabu ang laman na tumitimbang sa 32.13 kgs na tinatayang aabot sa 218,484,000 milyon pesos ang kantidad.
Depensa nitong suspek na wala siyang kinalaman sa mga kargamentong ito, dahil napag-utusan lamang siya ng kanyang boss.
Sa kasalukuyang nag papatuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad aban sa suspek , upang mai-siwalat ang mga kasabwat sa pagpuslit ng mga illegal drugs na ito.
Kakaharapin ng suspek ang kasong kriminal dahil sa paglabag ng RA Act 9165 o kilala sa tawag na comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Froilan Morallos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *