Chinese Tiklo sa Albay

Inaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) Intelligence Division ang isang Chinese national dahil sa paglabag sa Immigration Laws.

 kinilala ang suspek na si Ding Xiaoqui 42 anyos, at nahuli ito noong January 24 sa Tabaco Albay dahil sa walang maipakitang working permit mula sa pamahalaan.

   

 At ayon sa report nasakote ito sa pamamagitan ng pinagsanib na grupo ng BI’s Regional Intelligence Operation Unit (RIOU) 5, Naval Forces Southern Luzon (NFSL) at Intelligence operatives ng pamahalaan.

Nabatid na si Ding ay illegal na nago-operate ng isang Construction Supply Hardware sa Tabaco City lalawigan ng Albay.

Agad naman ito dadalhin sa BI main office sa Intramuros, upang sumailalim ng medical at physical examinations bago ilipat sa Facility Detention Center sa Bicutan Taguig City.

At mananatili ito sa BI detention center habang naka-pending ang kanyang deportation order sa mga kamay ng BI Board of Commissioners. (Feb.2, 2024)

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *