Chinese na Pumatay ng Pusa Arestado
Inaresto ng Intelligence Officer ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Chinese national na pumatay ng pusa na natutulog sa pathway sa may Ayala Triangle Gardens sa Makati City.
Kinilala ang suspek na si Jiang Shan, 32, anyos at nahuli ito sa harap ng kanyang tiniitirahan bahay sa Brgy. Palanan Makati City.
Napagalaman na si Jiang ay arogante at ayaw magbigay ng impormasyon sa kanyang mga kapitbahay sa lugar tungkol sa nangyari sa pusa.
Ayon sa talaan ng immigration dumating ito noong May 2023 bilang isang turista at hindi nag-extend sa kanyang visa simula noong September 2023, hanggang sa kasalukuyan.
Batay sa impormasyon nakalap ng pahayagang ito, walang mai-presentang dokumento sa arresting agent, kung kayat agad dinala ito sa BI detention facility sa Camp Bagong Diwa Taguig City. (froilan morallos)